ANG PANITIKAN NG APRIKA
Kilala
ang Aprika bilang bansang inapi ng mga mananakop at sapilitang ginawang alipin
at ipinagbili bilang alipin. Sapagkat sila'y itim, hinding-hindi rin sila
nakalusot sa rasismo at diskriminasyon na siya ring naging dahilan ng mababang
pagtingin sa kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao ng mg
aprikano. Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling
kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon.Ito
rin ang dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga aprikano.
Sa
kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa. Napapabilang
dito ang mga kuwento, dula,
bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na maaaring ipakita sa
pamamagitan ng sulat o
salita. Dito nila naiibahagi ang kanilang mga karanasan laban sa pang-aapi o
ano pa mang paghihirap na naranasan nila mula sa mga manananakop. Ang mga ito
ay lubos pang nakikilala at lumalaganap. Ang kanilang mga dula at maikling
kwento ay kumakalat sa iba’t ibang bansa.
Halimbawa
nito ay ang isang maikling kwento mula sa Aprika, ang “Civil Peace”. Isinulat ito
ni Chinua Achebe (isang tanyag na kritiko at manunulat sa bansang Nigeria) noong taong 1907. Ang “Civil Peace” ay naimpluwensyahan ng
totoong pangyayari, ang Nigerian Civil War. Ang pokus nito ay kay
Jonathan Iwegbu at ang kanyang pamilya, at kung paano sila bumangon sa kabila
ng masasamang pangyayari sa digmaan.
CIVIL PEACE (buod)
Isinulat ni Chinua
Achebe
Para kay Jonathan Iwegbu, siya ay isang napaka swerteng
nilalalang.“Nothing puzzles God!” Ito ang paulit-ulit na sabi ni Jonathan sa
kanyang sarili pagkatapos ng bawat bendisyon na kanyang natanggap. Matapos ang
digmaang sibil ng Nigeria, may natanggap na tatlong milagro si Jonathan.
Ang una at pinakamahalagang bendisyon ay ang limang ulo mula sa anim ng kanyang
pamilya— hindi nakaligtas ang kanyang isang anak mula sa peligro ng digmaan.
Ang ikalawang milagro ay dumating sa anyo ng kanyang lumang bisekleta. Ibinaon
niya ito isang taong nakaraan. Para mabawi ang bisekletang ito matapos
kumpiskahin, kinailangan niyang suhulan ng 2 pounds ang isang
opisyal. Ang ikatlong milagro naman ay ang kanyang maliit na bahay sa Enugu na
siyang nasa sentro ng digmaan. Kahit ito ay maliit at gawa sa kahoy, zinc, at
cardboard, tumtatayo pa rin ito kahit nawasak na ang nakapaligid na mas
malaking gusali. Matapos siyang kumuha ng isang dukhang karpintero para
maipagawa ang kanyang bahay, inuwi niya ang kanyang buong pamilya sa kanilang
dating tahanan.
Bumalik ang buong pamilya sa pagtatrabaho, pilit na bumubuo
bagong buhay. Ang mga bata ay nagtitinda ng mga mangga sa mga asawa ng sundalo,
habang si Maria, ang kanyang asawa, naman ay gumagawa ng akara,
isang bola ng ground beans, para ibenta sa kanilang kapitbahay. Nagbukas naman
si Jonathan ng isang palm-wine bar para sa mga sundalo at mga
maykaya.
Matapos ang ilang araw ng paghihintay sa linya sa labas ng Treasury, nakatanggap si Jonathan ng 20 pounds bilang pabuya, ex-gratia o “egg rasher” sa pagsauli ng rebel currency. Sa susunod na gabi, na pukaw ang buong pamilya ni Jonathan ng isang malakas na katok. May mga magnanakaw sa labas ng kanyang bahay at humihingi ang mga ito ng 100 pounds. Ngunit walang ka pera-pera si Jonathan. Ang taglay lang niyang pera ay ang 20 pounds na kanyang natanggap bilang ex gratia. Inalay ito ni Jonathan sa mga magnanakaw para matiyak ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Pagkatapos ng isang pag-aareglo at pag-uusap, tinanggap ito ng mga tulisan.
Sa susunod na araw, ang buong pamilya ni Jonathan ay balik na sa pagtatrabaho, parang walang nangyari. Sabi niya sa kanyang mga kapit bahay na nakikipag simpatya na wala lang yung 20 pounds para sa kanya, sapagkat mas marami pang mas importanteng bagay ang nawala sa digmaan, at sabay sabing, “Nothing puzzles God.”
Matapos ang ilang araw ng paghihintay sa linya sa labas ng Treasury, nakatanggap si Jonathan ng 20 pounds bilang pabuya, ex-gratia o “egg rasher” sa pagsauli ng rebel currency. Sa susunod na gabi, na pukaw ang buong pamilya ni Jonathan ng isang malakas na katok. May mga magnanakaw sa labas ng kanyang bahay at humihingi ang mga ito ng 100 pounds. Ngunit walang ka pera-pera si Jonathan. Ang taglay lang niyang pera ay ang 20 pounds na kanyang natanggap bilang ex gratia. Inalay ito ni Jonathan sa mga magnanakaw para matiyak ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Pagkatapos ng isang pag-aareglo at pag-uusap, tinanggap ito ng mga tulisan.
Sa susunod na araw, ang buong pamilya ni Jonathan ay balik na sa pagtatrabaho, parang walang nangyari. Sabi niya sa kanyang mga kapit bahay na nakikipag simpatya na wala lang yung 20 pounds para sa kanya, sapagkat mas marami pang mas importanteng bagay ang nawala sa digmaan, at sabay sabing, “Nothing puzzles God.”
Tema at Konklusyon
Ang nangingibabaw na tema sa akda ay ang pagkakaroon ng
positibong pag-iisip sa kabila ng paghihirap. Makikita natin ito sa kilos at
salita ni Jonathan nang paulit-ulit sa akda. Nawalan siya ng isang anak sa
digmaan, ngunit hindi natin nakikita ang kanyang pagkawalang pag-asa. Sa halip
ng pagmumokmok, siya ay nagpasalamat dahil ligtas ang tatlo sa kanyang apat na
anak. Ebidensya din nito ang lalo niyang pagkamangha nang makuha niya muli ang
kanyang bisekleta, na kung sa tutuusin, napakaliit na bagay lamang. At nung
nakita niya ang kanyang sira-sirang bahay, hindi siya nagreklamo at nagtrabaho
siya agad-agad para maayos ito. Naging matagumpay rin ang kanyang pamilya na
magkaroon ng bagong buhay sa kabila ng pinsala na kanilang dinanas, dahil sa
kanilang positibong pananaw.
Malaking papel ang kanyang pananampalataya sa pagtanggap niya
sa masasamang pangyayari sa buhay niya. Makikita natin ito sa kanyang mantra na
“Nothing puzzles God.” Ang kanyang mantra na ito ay sumisimbolo sa kanyang
pagtanggap na may mas makapangyarihang nilalalang ang nagkokontrol sa kanyang
buhay at may mga bagay na wala sa kanyang kontrol. Sumisimbolo ito sa kanyang
kakayahang bumitaw at sumuko sa kamay ng Diyos. Para sa kanya, may plano ang
Diyos, kahit hindi man niya ito maintindihan sa kasalukuyan.
Ang
akdang ito ni Chinua Achebe ay makapangyarihan at makabagbag-damdamin. Kung
kayo ay nasa mahirap na sitwasyon at nangangailangan ng inspirasyon o kung
ninanais niyong magkaroon ng mas malawak na kaalaman ukol sa kasaysan ng Africa
at pati na rin sa mga epekto ng digmaan sa mga ordinaryong mamamayan,
inirerekomenda ko para sa inyo ang Civil Peace ni Chinua Achebe.