ANG PANITIKAN NG APRIKA
Ang Aprika ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya . May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi² ) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika. Kilala ang Aprika bilang bansang inapi ng mga mananakop at sapilitang ginawang alipin at ipinagbili bilang alipin. Sapagkat sila'y itim, hinding-hindi rin sila nakalusot sa rasismo at diskriminasyon na siya ring naging dahilan ng mababang pagtingin sa kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao ng mg aprikano. Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon.Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga aprikano. Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa. Napapabilang dito ang mga kuwento, dula, bugtong,